Ruffa Gutierrez, nagpahiwatig na baka hindi na niya mararanasan ang everlasting love: "I'll be 97 in 49 years" - The Daily Sentry


Ruffa Gutierrez, nagpahiwatig na baka hindi na niya mararanasan ang everlasting love: "I'll be 97 in 49 years"






Sa panibagong social media post ay pinahiwatig ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez na baka hindi na niya maranasan ang everlasting love tulad ng sa kanyang mga magulang na si Eddie Gutierrez at Anabelle Rama.

 

Sa post na ito ni Ruffa ay kalakip ang larawan ng kanyang mga magulang na sweet pa rin sa isa’t isa na magka hawak-kamay habang naglalakad.

 

Ayon pa kay Ruffa, going strong pa rin ang dalawa matapos ang 49 taon nilang pagsasama.


 

“Still going strong after 49 years together! @eddiegutierrez06 @annabelleramaig,” aniya sa caption

 

Dagdag pa ng dating beauty queen, baka hindi na niya maranasan ang relasyon na tulad nito dahil matanda na siya matapos ang 49 years.

 

“I won't even get to experience this kind of everlasting love. I'll be 97 in 49 years,” ayon kay Ruffa

 

Si Ruffa ay 48 taong gulang na sa kasalukuyan, ipinanganak siya noong Hunyo 24, 1974.

 

Kamakailan lang din ay pinag usapan ang aktres matapos ang panayam ni Dra. Vicki Belo sa kanyang YouTube channel kung saan ay kanilang pinag usapan ang relasyon ni Ruffa sa dati nitong asawa na si Yilmaz Bektas.


Larawan mula sa IG Story ni Ruffa G.


 

Sa bahagi ng panayam ay inamin ni Ruff ana matagal na niyang napatawad ang dating asawa.*

 

Matatandaan din na pinayagan na niyang pumunta ng Istanbul, Turkey ang dalawa nilang anak ni Yilmaz na sina Lorin at Venice upang personal na makasama ang ama, na hindi nila nakasama ng 15 taon.

 

Bago nangyari ang pag kikita ng mag-aama ay humingi daw ng 'sign' si Ruffa kung oras na ba na payagan niya ang mga anak na makasama muli si Yilmaz.

 

“I guess time heals all wounds and I guess in God’s perfect time I think it just came naturally already a long time ago. I’ve forgiven him.

 

“I sent Lorin and Venice on their own to Istanbul. I just felt really light about it. I prayed about it. And I said, ‘God, if this is the right timing that Lorin and Venice should reunite with Yilmaz, give me a sign.” Ayon kay Ruffa

 

Para kay Ruffa, ang kapayapaan at katahimikan na tinatamasa niya ngayon sa kanyang buhay ay ang ‘sign’ na hinihintay niya.


 

“And I think the sign is just being comfortable, being light, being at peace. I didn’t have any hesitations. Para sa akin, yun na yung sign na hinahanap ko,” pahayag ng aktres

 

Inamin din ni Ruffa na hindi niya na nakikita ang sarili na mag-aasawa o magpapakasal muli. Hindi rin diumano niya alam kung kaya pa niyang pagdaanan ang mga sakrispisyo niya noon para kay Yilmaz.