Rebelasyon ni Telly Babasa | Bawat suntok ni FPJ na tatama, may bayad na 5K! Alamin ang buhay ngayon ni Telly Babasa - The Daily Sentry


Rebelasyon ni Telly Babasa | Bawat suntok ni FPJ na tatama, may bayad na 5K! Alamin ang buhay ngayon ni Telly Babasa



Larawan mula sa wn

Si Telly Babasa ay isang batikang stuntman kontrabida na madalas mapanuod sa mga maaaksyong mga pelikulang Pilipino noong mga panahon ni Da King Fernando Poe Jr.


Halos lahat siguro ay kilala si Telly pagdating sa mga aksyon na palabas sa telebisyon dahil isa siya sa mga magagaling at paboritong stuntman kontrabida ni FPJ sa kanyang mga ginawang pelikula.


Tila hindi umano kumpleto ang mga ginagawang palabas ni Fernando Poe Jr. kung wala si Telly bilang gaganap na kontrabida.

Larawan mula sa wn

Larawan mula sa wn

Maangas at matipuno ang pangangatawan na may angking natural na talento si Telly kung kaya naman bentang-benta siya sa mga maaaksyong pelikula upang gumanap na kontrabida.


Dahil sa itsura nitong lalaking-lalaki ay "Barako" kung tawagin si Telly ng kanyang mga kaibigan, kakilala o maging ang kanyang mga kapitbahay na talaga namang bagay na bagay itawag sa kanya.


Hindi lamang sa mga pelikula ni FPJ palaging napapasama itong si Telly dahil maging sa mga pelikulang pinagbidahan ng mga sikat na artista katulad nina Rudy Fernandez, Philip Salvador, Robin Padilla, Bong Revilla, Ronnie Rickets ay kasama itong si "Barako" sa pangunahing kontrabida.

Larawan mula sa wn

Larawan mula sa wn

Nagdaan ang ilang araw matapos mamaalam si Da King Fernando Poe Jr. ay lalo pang bumagsak ang mga aksyon movie sa Pilipinas at nawala sa mundo ng mga pampelikulang Pilipino si Telly kasama ang mga kasabayan nitong stuntman kontrabida sa bansa.


Ayon sa kalalabas na vlog ng "ROBATOLOGY" kung saan ay kinuhanan niya ng ilang detalye si Telly noong siya pa ay aktibo sa pag-aartista.

Larawan mula sa wn

Larawan mula sa wn

Ayon kay Telly ay isa umano si FPJ sa kanyang iniidolo noon bilang bida dahil bukod umano sa sobrang bait ay may malasakit din ito sa mga mabababang artista.


Binanggit din ni Telly na kapag gumagawa sila ng maaksyong pelikula kasama si Da King ay bawat suntok umano ni FPJ na tatama ay mayroon agad bayad na limang libo.


Kilala si FPJ na mabilis at may sunod-sunod na combo ng suntok kung kaya siguro minsan ay hindi nito maiwasan na mayroong tatama sa kanyang ka-eksenang kontrabida.


Sa ngayon ay may masaya at simpleng buhay si Telly kasama ang kanyang pamilya at napag-alaman na paminsan-minsan ay umeekstra siya bilang isang bodyguard ng mga kilalang politiko sa Makati.

Larawan mula sa wn

Larawan mula sa wn

Kahit may edad na ngayon si Telly ay hindi pa rin nawawala sa kanya ang matikas na pangangatawan.


Talaga nga namang hindi makakalimutan ng mga tao si Telly dahil isa rin siya sa mga paborito at magagaling na stuntman kontrabida na may may malaking naiambag sa mundo sa showbiz.


Kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***