Ina ni Whamos nanghingi ng pampustiso, binigyan ng 12 libong piso matapos mag-bato bato pick! - The Daily Sentry


Ina ni Whamos nanghingi ng pampustiso, binigyan ng 12 libong piso matapos mag-bato bato pick!



Pagkatapos daw nitong makatanggap ng 350k pesos sa isa pang anak na vlogger na si Awit Gamer ay kay Whamos Cruz naman humirit ang ina ng pampapustiso niya.

Ang simpleng paghingi ay naging kwelang tagpo ay naging instant viral video matapos itong isapubliko ng komedyanteng social media influencer at content creator.




"MAY GANITO DIN BA KAYONG NANAY?"

Sa pagdalaw ni nanay Grace sa bahay nila Whamos at Antonette ay bumungad sa mga ito ang halos bungal na ina. Dalawang ipin sa itaas na lang kasi ang natira dito matapos raw ipabunot ang kanyang mga sirang ipin.

"Anong ginagawa mo dito?" "Diba binigyan ka ni Awit ng 350 thousand?" pagbibiro ni Whamos sa nanay nito.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Dahil sa wala na halos ngipin ay hindi na daw ito makakain ng maayos at inirereklamo ang kanyang pag nguya.

"Paano ba ko mabubusog nito? Hindi natunaw pagkain ko e," "Sige na!" pangungulit ng inang si Grace.

"Lunukin mo! May sinabi ba akong magpabunot ka ng ipin?" banat naman ng anak.

Pero matapos ang ilang minuto ay hindi rin natiis ni Whamos ang ina, kinuha nito ang kanyang itim na bag sabay bunot ng isang bugkos na tig-iisang libo

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


"Hawakan mo, naawa ako dito eh! Parang laging walang pera tong nanay ko eh!"

Dahil hindi nagkasundo sa hiling na sayaw kapalit ng perang hinihingi nito. Idinaan ng mag-ina sa larong bato bato pick ang pampustiso nito. Isang libo kada puntos ng ina.

Sa unang buslo ay talo si nanay Grace sabay reklamong, "Ang daya, ang daya! Alam mo kasing bato ang gagawin ko eh."

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Ngunit kaagad naman itong bumawi at sunod-sunod na ang naging panalo nito hanggang sa umabot ng 12k ang napanalunan ng ina. Bukod sa pera ay binigyan din ito ni Antonette ng mamahaling bag.

Kulang kulang man ang ngipin sa ngayon ng nanay ni Whamos Cruz ay umuwi naman itong buo ang ngiti sa labi matapos ang kanilang masayang kulitan ng kanyang panganay na anak.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook