Yexel Sebastian nagsalita na sa kinasasangkutang isyu tungkol sa investment scam - The Daily Sentry


Yexel Sebastian nagsalita na sa kinasasangkutang isyu tungkol sa investment scam




 

Si Yexel Sebastian, isang kilalang content creator, kasalukuyang kinakaharap ang kontrobersiyal na isyu ng investment scam. Ibinunyag ng ilang mga biktima ang kanilang negatibong karanasan sa mga investment scheme na inialok ni Yexel sa social media. 


Ayon sa kanila, marami ang nag-invest, ngunit hindi nakatanggap ng inaasahang kita. Ang mga ganitong isyu ay nagpapakita ng pangangailangan na maging maingat sa mga investment offers, lalo na mula sa mga hindi kilalang personalidad. 


Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon hinggil sa isyung ito, at naglalakbay ang mga pag-aalala hinggil sa mga financial scam na nagagamit ang impluwensya ng social media upang makapanloko.


Ngayong araw lang ay naglabas ng kanyang statement si Yexel sa kanyang Facebook account. Narito ang kanyang buong pahayag:


Siguro panahon na para ipagtanggol ko ang sarili ko at buo kong pamilya,

Ayaw ko sana magsalita dahil kahit magmukha kaming masama at basura sa buong Pilipinas ay tatanggapin ko mai ayos lang ng malumanay at tahimik pero kabaligtaran ang nangyari naging sobrang ingay na.

Pati kaligtasan namin ay nalaganay na sa alanganin, Masakit makita ang buong pamilya mo na umiiyak para sa kaligtasan namin

ni Mikee and Zyph .

kaya palagay ko ito na ang tamang panahon 

April 7 2022,

Nun sumama kami sa Ribbon Cutting na naganap 

sa isang Legit

Casino sa Clark Pampanga .

after Ribbon Cutting

Nagkaroon ng Malaking Event kung saan pinasalamatan ni

Boss HP aka

Hector Pantollana Lahat ng matataas na tao sa Casino

at iba pang Casino Branches

Legit ang Junket.

Legit lahat ang tao.

at Legit ang Operation

Hindi yan mapepeke nang kahit sino dahil hindi ka magkaka branch sa isang Casino na Legal, 

para magka Junket kung illegal ito.

Yan ang pagkaka alam namin lahat ayon sa nakita ng mga mata namin nun panahon nayun.

Maraming saksi nyan at maraming tao ang nakita ako jan at si Mikee. Isa lang kami sa participants nun gabi nayan at alam ng lahat ng tao yan nun gabi nayun........


Narito ang umano'y video: