Kilalanin ang mga Anak ni Vic Sotto, Sino na kaya ang Successful? - The Daily Sentry


Kilalanin ang mga Anak ni Vic Sotto, Sino na kaya ang Successful?



Mga larawan mula sa Google
Karamihan sa atin ay alam na ang mga anak ni Bossing ay hindi gaanong lumalabas sa TV at malayo din sa limelight. Tara na at kilalanin natin ang bawat isa sa kanila at alamin ang kanilang trabaho, hilig, at mga achievements na kanilang nakamit.

Danica Sotto

Si Danica Sotto, 36-year-old ay ang panganay na anak ni Bossing kay Dina Bonnevie. Noong bata pa lamang si Danica, sinubukan niya ding pumasok sa industriya ng showbiz kung saan siya ay gumanap sa kilalang sitcom na Daddy Di Do Du  at kaniyang nakatrabaho ang kaniyang ama. Ngunit, napagdesisyunan niya na mag lay low muna sa showbiz kung saan nakilala niya si Mark Pingris na kaniyang asawa ngayon.

Si Danica at Mark ay marami ding pinagdaanan dahil alam naman natin na si Mark ay dumaan din sa mahirap na proseso bago siya naging isang propesyonal na basketball player habang si Danica naman ay galing sa isang welloffna pamilya. Dahil na rin siguro dito kaya sila ay madaming natutunan sa isa't isa.
Larawan mula sa Youtube
Noon din ay sinubukan ni Danica na magtayo ng isang restaurant ngunit ito ay hindi pumatok. Nang mga oras na iyon, hindi kinaya ni Danica na magsara ang restaurant na kaniyang pinaghirapan kung kaya't siya ay todo iyak noon. Mabuti na lamang din at nandyan si Mark para icomfort at ipaintindi sa kaniya ang mga bagay na meron siya kahit na ganoon ang nangyari sa kaniya.
Larawan mula sa Youtube
Larawan mula sa GMA
Ngayon ay abala si Danica bilang ina, asawa, at sa pagiging YouTuber at TV host ng isang cable lifestyle show. May ilan din siyang business na pinagkakaabalahan.

Oyo Sotto

Si Oyo naman ay ang pangalawang anak ni Bossing at Dina. Siya din ay pumasok sa industriya ng showbiz noong siya ay bata pa at nakilala nga siya bilang Benok sa "Ok Ka Fairy Ko."
Larawan mula sa Youtube
Siya din ay naging leading man sa iba't ibang mga serye sa TV. Lagi din siyang kasama sa MMFF entry ng kaniyang ama kada taon. Isa din siya sa mga cast ngayon ng Daddy's Girl na serye nina Vic Sotto at Maine Mendoza.
Larawan mula sa Youtube
Ngunit, hindi ganoon kapokus si Oyo sa limelight dahil mas abala siya sa kaniyang pamilya. Napangasawa niya si Christine Hermosa at mayroon na silang apat na anak. Sina Oyo at Tin ay mayroong isang Bicycle shop coffee shop at nag-oorganize din sila ng mga events para sa mga Bikes enthusiasta at ito ay maaaring matagpuan sa Alabang.

Vico Sotto

Si Vico Sotto naman ay anak ni Vic at Cony. Ngunit, siya ay abal lamang sa kaniyang pag-aaral at minabuting ipribado ang kaniyang buhay habang siya ay lumalaki.
Larawan mula sa Philstar
Si Vico din ay ang pinakamahiyain na anak ni Bossing tuwing Birthday Celebration. Dahil siya lamang ay nagpapakita sa mga VTR. Inilarawan naman ni Bossing si Vico bilang isang matalino at masipag na bata.
Larawan mula sa GMA
Noong 2011, si Vico ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Manila University at kumuha ng kaniyang Masteral Degree sa Ateneo School of Government na kung saan ito ay natapos niya noong 2018. Ang pagiging isang public servant din ay isa sa mga interest ni Vico kung kaya't siya ay determinado sa kaniyang pag-aaral.

Taong 2016 naging isang miyembro si Vico ng Sangguniang Panlunsod o City Councilor ng Pasig City. Umabot lamang siya hanggang isang termino. Ngunit neto lamang taon, 2019, kinalaban niya naman ang mga Eusebio at tumakbo bilang Mayor ng Pasig City kung saan siya ay nanalo.

Paulina Sotto

Si Paulina Sotto naman ay anak ni Bossing sa dating commercial model na si Angela Luz.
Larawan mula sa Youtube
Si Paulina din siyang nakaka-bonding ni Bossing sa kaniyang sport na Golf. Sa katunayan nga, si Bossing ay todo suporta sa kaniyang anak na si Paulina sa lahat ng tournaments na sinasalihan nito. Suportado din ni Bossing ito sa kaniyang pagpipinta.
Larawan mula sa Philippine NewsFeed
Ang kaniya ding mga gawa ay talagang maganda. Hindi naman ito nakakagulat dahil si Paulina ay apo ng National Artist na si Arturo Luz. Si Paulina din ay pinagpapatuloy ang legacy ng kaniyang lolo Arturo sa pagpipinta. Todo suporta naman si Bossing dito at sa katunayan nga ay mayroong mga artworks na nakadisplay sa bahay nina Bossing at Pauline sa Laguna na gawa ni Paulina.

Talitha Sotto

Sa edad na 60, binayayaan pa ng isang anak si Bossing sa kaniyang asawa na si Pauline Sotto. Si Tali din ay ang nagbibigay saya at goodvibes kay Bossing dahil sa angking cuteness at charm nito.
Larawan mula sa Youtube
Larawan mula sa The Filipino Times
Sigurado na si Tali ay magiging achiever din dahil napakagiliw na bata ni Tali at matalino din siya base sa mga video clips na ibinahagi ni Pauline sa kaniyang Instagram account.

Source: Youtube