Pinoy na Pole Vaulter, Kauna-unahang Kwalipikado Para sa Tokyo Olympics - The Daily Sentry

Saturday, September 7, 2019



Pinoy na Pole Vaulter, Kauna-unahang Kwalipikado Para sa Tokyo Olympics



Pinagsamang larawan mula kay Ernest Obiena via Facebook at PSC via Facebook
Si Ernest John Obiena ay isang pole vaulter. Siya din ang nakakuha ng national record sa pole vaulting noong Abril 29, 2016 bago niya nalampasan ang Asian Athletic Championships.

At kamakailan lamang nga ay nagwagi na naman ang Filipino pole vaulter na si Ernest John kung saan siya ay tinaguriang kauna-unahang Filipino na kwalipikado para sa 2020 Tokyo Summer Olympic Games.

Saad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Facebook page nito, si Obiena ay nakakuha ng 5.81 meters sa Men's Pole Vault competition na nangyari sa Salto Con L'asta In Piazza Chiari 2019 sa Italy.
Larawan mula kay Ernest Obiena via Facebook
Sinabi din ng PSC kay Obiena sa dulo ng post nito,

"We are proud of you!"
Larawan mula sa PSC via Facebook
Sa kabilang banda, marami sa ating mga netizens ang naghatid ng kanilang pagbati kay Obiena. Habang ang iba naman sa kanila ay hinihiling na sana magtuloy tuloy ang suporta na ibinibigay ng gobyerno sa kaniya at hinihiling na sana din ay lahat tayong Pinoy ay suportahan siya sa kaniyang laban.

Narito ang ilang komento ng ating mga netizens:
Talaga nga naman proud ang mga Pinoy dahil sa dedikasyon at kasipagan niya upang makamit kung nasaan man siya ngayon. Nawa'y galingan mo pa. Good luck sa iyong susunod na laban!

Source: Facebook, Inquirer, Spin.ph