Ito Pala ang Anak ni Chavit Singson na Mala Dyosa ang Ganda! - The Daily Sentry


Ito Pala ang Anak ni Chavit Singson na Mala Dyosa ang Ganda!



Pinagsamang larawan mula sa Google at Instagram
Ano kaya ang feeling ng isang mayaman? Ano kaya ang mararamdaman mo kung mayroong kang maraming pera sa iyong bank account? Siguradong hindi pipirme sa isang lugar lamang dahil hindi mo alam kung paano mo gagastahin ang iyong pera.
Larawan mula sa Youtube
Marami ang mga mayayaman ngayon dahil sa kanilang mga lumalagong businesses, mga koneksyon sa gobyerno, celebrities at mga kaibigan.

Isa sa mga kilalang businessman at politician sa Pilipinas ay ang 77-years-old na si Luis Crisologo Singson o mas kilala bilang Chavit Singson. Bukod sa pagmamay-ari ng LCS Group of Companies, naging Gobernador din siya ng Ilocos Sur. Taong 2008 naman ay naiappoint si Singson bilang Deputy National Security Adviser for the government.
Larawan mula sa Rappler
Noong 2017, si Singson ang nagsponsor sa Miss Universe Beauty Pageant na ginanap dito sa Pilipinas. Ayon sa dating Department of Tourism Secretary na si Wanda Teo, nagbigay si Singson ng 11 million dollars sa organisasyon para lamang matuloy sa Pilipinas ang kilalang pageant.
Larawan mula sa Manila Bulletin News
Bukod pa diyan, sumali rin si Singson sa pag-bidding ng isang telecommunications company provider sa Pilipinas. Kung siya ay sweswertehin sana, ito ay ang magiging third telecommunications provider dito sa Pilipinas, ngunit siya ay hindi nanalo sa bidding. Mula pa noong 2018, siya na ang president ng Philippine National Shooting Association.
Larawan mula sa Youtube
Si Singson nga talaga ay isang mayaman at makapangyarihang tao, ngunit hindi alam ng karamihan na bukod sa kanyang kayamanan ay may mayroon pa itong isang treasure na pinapahalagahan, ito ay ang kanyang anak na babae. Hindi man ito napapanood sa telebisyon, si Chelsey Singson ay unti unting nakikilala sa social media.

Sa katunayan nga, mayroon itong 34,100 followers sa kanyang Instagram account. Ipinapakita sa kanyang Instagram feeds ang kanyang iba’t-ibang larawan na nakunan sa iba’t-ibang lugar.
Larawan mula sa Bloginfo
Bukod sa magandang mukha, ang anak ni Chavit Singson na si Chelsey ay may magandang pangangatawan. Ang kanyang mga swimsuit photos ay nagpapabatid lamang na siya rin ay mahilig sa mga beaches.
Larawan mula sa Webnewshot.com
Ayon sa kanyang biography, siya ang nagmamay-ari ng Gosport Philippines, miyembro rin siya ng Colourette Clique at Ambassadress ng The Skin Bureau.
Larawan mula sa Google
Hindi naman nakakagulat na siya ay nag-eendorso ng mga cosmetic brand dahil ito sa kanyang kagandahan. Ito rin ang hindi inaasahan ng karamihang netizens, na si Chelsey ay kasal na kay Rafael Sison at sila ay biniyayaan na ng isang anak na lalaki.

Anong masasabi mo rito? Namangha ka ba sa likas na kagandahan niya sa unang pagkakita mo palang sa kanya? Ibahagi ang inyong mga komento, reaksyon at mga opinion sa ibaba.

Source: Youtube