Misis, buking si mister sa laging pag-like sa mga larawan ni Alawi: "Ivana Alawi sumusobra kna ah" - The Daily Sentry


Misis, buking si mister sa laging pag-like sa mga larawan ni Alawi: "Ivana Alawi sumusobra kna ah"



Pinagsamang larawan mula kay Jane Duranggo at Pinterest
Viral sa Facebook ang post ng isang netizen kung saan ay nabuking nito ang kanyang mister na panay ang pag-like niya sa mga larawan ni Ivana Alawi.

Sa post ng isang netizen na si Jane Duranggo, ibinahagi nito sa kanyang Facebook account ang mga nakakaakit na larawan ng artistang si Alawi kung saan at tadtad ito ng likes ng kanyang mister na si Richard Peter Tupas.

Pabiro namang sinabi ni Jane na kailangang magkita sila ni Alawi sa istasyon ng Raffy Tulfo in Action na naka-tag pa ang mismong Facebook page ng programa.

"Calling the attention of Ivana Alawi sumusobra kna ah. Magkita tayo kay Raffy Tulfo In Action di nga yan makapaglike sa mga posts ko, sapilitan pa," ayon sa caption ni Duranggo.
Larawan mula kay Jane Duranggo
Kilala kasi ang programa ni Raffy Tulfo sa pagtulong sa mga inaapi at karamihan sa mga nag-rereklamo dito ay mga misis na niloko ng kanilang mister.

Sinabi pa ni Jane sa kanyang post na hindi naman sila aabot sa programa ni idol Raffy basta ayusin lang daw nito ang kanyang paliwanag.

"Richard Peter Tupas di naman tayo aabot kay Sir Raffy Tulfo in Action basta ayusin mo paliwanag mo sakin ha?" ayon sa post ni misis.

Pero nilinaw naman ni Jane na biro lang ito at pinuri pa nga ang angkin na kagandahan at nakaka-akit na katawan ni Alawi.

"P.S. Baka mamisinterpret ng iba.. Yung pagkakasabi kong sumusobra na si Ivana, what I mean is sa sobrang kasxyhan at kagandahan niya Idol sya ng asawa ko nakakainis lang kasi pala'react sya dun kesa saken di naman po kami aabot kay Sir Raffy Tulfo," ani Duranggo.
Larawan mula sa Philsnews
Tila nagulat naman si mister dahil nagtrending ang post ng kanyang misis at napa-react na lamang.

"HALA.. San mo nakuha yan? Dami kong tawa dto. Lakas mo." ayon kay mister.

Umani ng ibat-ibang reaksyon ang post na ito ni Duranggo at umabot na sa 64,000 reactions, 200 comments at 23,000 na shares sa loob lamang ng isang araw.

Basahin ang buong post sa ibaba:


"Calling the attention of Ivana Alawi. sumusobra kna ah. Magkita tayo kay Raffy Tulfo In Action di nga yan makapaglike sa mga posts ko, sapilitan pa.

"P.S. Baka mamisinterpret ng iba.. Yung pagkakasabi kong sumusobra na si Ivana, what I mean is sa sobrang kasexyhan at kagandahan niya Idol sya ng asawa ko  nakakainis lang kasi pala'react sya dun kesa saken  di naman po kami aabot kay Sir Raffy Tulfo "
Larawan mula kay Jane Duranggo
 

****