Isang anak, dali-daling umuwi dahil sa nakitang litrato ng kanyang ina - The Daily Sentry


Isang anak, dali-daling umuwi dahil sa nakitang litrato ng kanyang ina



Photo Credits: Christie Lindog

Hindi na nagdalawang isip na umuwi ng kanilang bahay ang isang anak matapos niyang makita ang litrato ng kanyang ina na naghihintay sa kanilang mesa, matapos maghanda ng pansit at empanada para sa kanilang pamilya.


Bagaman nauna na siyang tumanggi at nagdahilan sa imbitasyon ng kanyang ama dahil siya'y pagod at may pasok pa kinabukasan, hindi na umano niya hinayaan na lumagpas ang pagkakataon na umuwi at kumain kasama ang kanyang pamilya matapos niya mapagtanto ang mga bagay na ito:



"I immediately realized, that the noodles, the empanadas, and every other food mom has made was not just a dish she wanted to share but her own excuse to see us. And here I was, giving the lamest excuses not to see her and dad," ayon kay Christie Lindog.






Matapos makauwi ng kanilang bahay, sinugarado din daw niya na kumain siya ng maraming pansit at empanada na inihanda ng kanyang ina.

"Appreciate the time we have left with our parents or family because life is short and uncertain," paalala pa niya.



Source: 1, Photos by Christie Lindog from Subtle Asian Traits