Isang lola, patuloy ang pagtitinda ng mais umulan man o umaraw - The Daily Sentry


Isang lola, patuloy ang pagtitinda ng mais umulan man o umaraw



Halos araw-araw ay may nasasaksihan tayong mabubuting gawa at balita sa social media. Ang ilan naman ay mga nakakaantig na kwento at pagsubok ng kanilang buhay.
Photo credit: MicacArl Barde

Katulad na lamang ng isang matandang babae na patuloy ang paghahanap-buhay sa ilalim ng mainit na araw at hindi maiiwasang pag-ulan sa araw-araw.

Sa kabila ng kanyang edad ay patuloy pa rin ang pagkayod ng matanda para sa kaniyang sarili at pamilya.

Sa Facebook post ng netizen na si MicacArl Barde, ibinahagi nito ang larawan ng isang matandang babae nagtitinda ng mais at nilagyan ng caption na, 

“Umulan umaraw nag titinda padin c nanay. Sana po bilhan po niyo siya pag makikita niyo. Masayang masaya na po siya. Sana po may tumulong po sa kaniya.”


Umani naman ng papuri at paghanga mula sa mga netizens ang matandang babae dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa paghahanap-buhay.
Photo credit: MicacArl Barde

Ngunit marami rin sa kanila ang nag-aalala sa kalagayan ng kalusugan at seguridad ng matandang babae. Sa edad kasi ni lolo ay dapat nag-eenjoy o nagpapahinga na lamang ito sa kanilang bahay.

Hindi maiwasan ng mga netizens ang malungkot sa kalagayan ni lola at napapaisip sila kung papaano nakakaraos sa araw araw ang pamilya nito.
Photo credit: MicacArl Barde
Photo credit: MicacArl Barde

Panawagan ng mga netizens ay makita ng awtoridad ang larawan ni lola upang matulungan ito at kanyang pamilya.

May ilan rin sa kanila na nais malaman ang mga impormasyon ng matanda upang sa gayun ay makapaghatid sila ng tulong.

Sa ngayon ay umabot na sa 5.8k reactions, 2.1k comments at 13k shares ang nasabing post. Sa kasamaang palad ay walang nabanggit na pangalan o saang lugar nagtitinda si lola.


***