Isang ama na busy sa cellphone, laking gulat nang biglang lumutang sa ere ang katawan ng anak - The Daily Sentry


Isang ama na busy sa cellphone, laking gulat nang biglang lumutang sa ere ang katawan ng anak



 




Bawat magulang ay may tungkulin sa kanilang mga anak na ito ay bantayan lalo na kung ito ay wala pa sa hustong gulang para alagaan ang kanilang mga sarili.


Hangga’t maaari ay ayaw ng mga magulang na mapahamak o masaktan ang kanilang mga anak, kaya gagawin nila ang lahat para protektahan ang kanilang mga supling.


Gayunpaman, hindi pa rin maaalis na may ibang magulang na nalilibang sa ibang bagay o sa mga laro sa gadgets na ngayon ay nauuso na.


Katulad nalang ng isang pamilya na  ito kung saan na prank ng dalawang magkapatid ang kanilang nanay at tatay na nanonood sa kanilang mga cellphone.


Sa una ay makikita na nakahiga ng tuwid sa sahig ang bunsong anak habang nakatingin sa gadget ang mga magulang.





Para mag libang,  maya maya ay kumuha naman kumot ang isang nakakatandang kapatid ng bata at itinakip sa kapatid na nakahiga.


Kinuha nila ang atensyon ng mga magulang upang ipakita ang kanilang gagawin.


Maya maya pa ay nagsimula na kunwari ang magic o ritwal na kanilang ginagawa at tila kakaiba na ang galaw ng magkapatid.


Sa hindi mawaring dahilan ay unti-unting umangat ang batang nakahiga sa sahig habang nakatakip ng kumot.*




Dahil dito, labis na nagulat ang kanilang mga magulang. Mabilis na tumayo ang ama at dali-daling inalis ang kumot para tingnan kung ano talaga ang nangyari.


Doon lang na-reliaze ng mga magulang ng mga bata na nalinlang sila ng magkapatid, dahil nakatukod lang pala ang kamay ng bunso mula sa sahig kaya tila nakaangat ang katawan nito.




Masasabing nakakatawa ang kwentong ito, ngunit sana ay maging aral din sa mga magulang na huwag pabayaan ang kanilang mga anak.