Simpleng 'Wave' sa Messenger ng lalaki sa isang magandang dalaga, nauwi sa kasalanan - The Daily Sentry


Simpleng 'Wave' sa Messenger ng lalaki sa isang magandang dalaga, nauwi sa kasalanan



Larawan mula kay Kate Axalan

Talaga namang hindi na mapigilan ang paglago ng teknolohiya saan man sulok ng mundo dahil malaking tulong ito sa pang araw-araw na buhay ng mga tao.


Isa ang modernong teknolohiya na ginagamit sa pakikipag-komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay kahit na nasa malayo ang mga ito.


Matatandaan na noong unang panahon ay hindi pa ginagamit ang mga telepono sa pakikipag-usap sa ating mga mahal sa buhay, tanging pagpapdala lamang ng sulat gamit ang papel na sinulatan ng lapis ang paraan upang makausap ang nasa malayong mahal sa buhay.


Ganun pa man, viral sa social media ang post ng isang babaeng si Kate Axalan kung saan ay ibinahagi nito sa kanyang Facebook account kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ng lalaking si Gian Arlo Axalan na ngayon ay asawa na niya.

Larawan mula kay Kate Axalan

Larawan mula kay Kate Axalan

Pagbabahagi ni Kate, nagkakilala sila ng kanyang asawa sa Messenger noong taong 2017 kung saan unang nag-wave si Gian sa kanya at doon na nagumpisa ang kanilang pag-iibigan.


Ayon sa post, naglakas loob lamang si Gian na mag-send ng emoji wave kay Kate dahil nakita lamang nito ang kanyang larawan sa newsfeed.

Larawan mula kay Kate Axalan

Larawan mula kay Kate Axalan

Tila nagandahan umano si Gian kay Kate noong una palang niya nakita ito sa kanyang news feed kung kaya naman naglakas loob itong magpakilala.


Hindi nagtagal ay nagkapalagayan sila ng loob at naging magkasintahan na nga ang dalawa.


Isang beses silang nagkita at matapos noon ay dalawang taon silang naging LDR o long distance relationship.


Kahit matagal na magkalayo si Kate at Gian ay hindi sila nagpatinag dito dahil nanaig ang kanilang pagmamahalan sa isat-isa.


Hindi nagtagal ay dumating na ang kanilang pangalawang pagkikita at doon na nagpropose ng kasal si Gian na kagaad naman itong tinanggap ni Kate.

Larawan mula kay Kate Axalan

Larawan mula kay Kate Axalan

Maraming netizen ang natuwa sa kwento ng pag-iibigan ni Kate at Gian dahil sa likod ng mahiwagang 'wave' sa Messenger ay nabuo ang kanilang pagiibigan na nauwi sa kasalan.


Ang post ni Kate ay nagtrending at marami ang nagshare at isa sa ang komento ng isang netizen ang kinatuwaan ng marami ng sabihing, “Sa wave din kami nagsimula e. Pero nagwakas kami sa “You can’t reply to this conversation. “ Madami ang natawa sa comment na ito.


****


Source: Kate Axalan