Magkapatid magkasalo sa isang Lalaki: “Mahirap pumili. Mahal ko sila pareho.” - The Daily Sentry


Magkapatid magkasalo sa isang Lalaki: “Mahirap pumili. Mahal ko sila pareho.”



Larawan mula sa KMJS


Isang kakaibang kwento ang ngayo’y usap-usapan sa social media tungkol sa magkapatid na babae mula sa Mindanao na iisa ang Lalaking tinitibok at iniibig ng kanilang mga puso na ikinagulat naman ng mga netizens. 


Ang bunsong kapatid ni Julieta na si Juliet ay umiibig rin sa asawa nitong si Mang Danny. 


Aminado si Julieta na matagal na niyang napapansin ang minsa’y malagkit na titigan ng kanyang asawa at ng bunsong kapatid, hinayaan niya lang ito hanggang sa dumating ang punto na nahuli niya sa akto ang dalawa. 



“Noon pa man, may napapansin akong kakaiba. ‘Yung titigan nila, parang may something! Pero binalewala ko. Hanggang sa nahuli ko na sila,” saad ni Julieta sa panayam nito sa Kapuso Mo, Jessica Soho, isang TV News broadcast ng Kapuso Network.


“Nahuli ko sa akto ‘yung mister ko at ‘yung bunsong kapatid ko na may ginagawang milagro!”






Ngunit dahil mahal niya ang asawa niyang si Danny at ang kapatid na si Juliet, nagawa niyang magsakripisyo at pumayag na magsama sila sa isang bubong. 


“Close kami ng kapatid ko tapos ganoon pa nangyari. Sa una, masakit. Pero kinailangan kong magsakripisyo. Kaya ako, ‘yung mga anak namin ni Danny, ‘yung kapatid ko at ang lima niyang anak kay Danny, nakatira kaming lahat sa iisang bubong!” 


Kasama na ng mag-asawa si Juliet sa bahay nila, siya ang niiwan at gumagawa ng mga gawaing bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak. 


“Habang nagtatrabaho noon si Ate at si Danny, ako ‘yung naglalaba, nagsasaing, nag-aasikaso sa anak nila.”


Kwento naman ni Juliet na kung minsan ay habang pumapasok sa trabaho ang Ate niya, sila ni Mang Danny ang naiiwan sa bahay at magkatulong sa pagbabalat ng mga mais. 



“Minsan, kami ni Danny, maiiwan kami na kaming dalawa lang sa pagbabalat at pagpa-pack ng mais. Na-feel ko na parang ang sweet niya sa akin.”





Ramdam din niya ang kakaibang pakikitungo sa kanya ng kanyang bayaw na naging sanhi kung bakit nahulog din ang loob niya at kalaunan ay nagkakaibigan na. 


“Hanggang nahulog akong tuluyan kay Danny. Siyempre, mahal ko ang Ate ko. Pero mahal ko rin si Danny. Okay lang sa akin na may kahati ako.” 


Nahirapan namang pumili si Mang Danny sa kung sino sa dalawa ang iibigin niya. Aminadong nakokonsensya siya naging kahinatnan ng kanilang pag-iibigan. 


“Nakonsensya at nahiya ako sa ginawa ko. Pero mahirap kung pipili. Mahal ko sila pareho.”


Marami naman sa mga netizen ang nagulat at nagbigay ng kanilang opinyon tungkol aa naging kwento ng pag-ibig nila Julieta, Danny at Juliet. 





Yung mga anak nila magkapatid and magpinsan at the same time. Yung tita nila ay step - mother din nila. Yung tatay nila ay tito din nila. - Jon




Ngyari din yn mismo sakin pero yong kaso ko nman asawa ko at mismo kapated nya una sa kilos ko din cla nhalata at sa titigan at yong sa bandang huli mismo sa pamamahay nmin mag asawa ng yari na gumawa cla ng milagro😭😭😭Kaya pg na alala ko yon bigla nlng ako mpaluha khit patay na asawa ko ang sakit - Camancho Elyn 



***


Source:  KMJS


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!