Babaeng inabutan ng panganganak sa gilid ng kalsada, pinagkaguluhan - The Daily Sentry


Babaeng inabutan ng panganganak sa gilid ng kalsada, pinagkaguluhan




Malaking hamon para sa isang ina ang magluwal ng kanyang sanggol sa mundong ibabaw. Ayon nga sa kasabihan, nasa hukay ang kanyang isang paa kapag sya ay manganganak. Ngunit lalo itong mas mahirap kung nangyari sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi handa.


Tulad na lang ng dinanas ng isang babaeng ito na trending ngayon sa social media matapos manganak sa gilid ng kalye. Masakakit makita ang kalagayan ng mga babaeng dumaranas ng ganitong sitwasyon. 



Makikita sa larawan ang dinanas na hirap ng babae para iluwal ang kanyang anak kung saan makikita pa ang mga dugo mula sa kanyang panganganak. 


Maraming naawa sa kalagayan ng babae na may bagong silang na sangol. Marami din ang nag-post sa social media upang humingi ng tulong para  madala ang mag ina sa pinakamalapit na ospital. 



Agaw-atensyon din sa mga netizen ang larawan ng mag-inang ito na makikitang yakap-yakap ng ina ang kanyang bagong silang na anak.



Nagpasalamat naman ang netizens at nai-post agad ito sa social media sapagkat marami ang nagpaabot ng tulong at bumilib sa lakas ng loob ng babaeng ito.