Mga netizen, windang sa unboxing ng ‘feminine toy’ ni Gloria Diaz ‘It vibrates very fine!’ - The Daily Sentry


Mga netizen, windang sa unboxing ng ‘feminine toy’ ni Gloria Diaz ‘It vibrates very fine!’



 

Larawan mula kay Gloria Diaz

Nito lamang nakaraang araw ay talaga namang naloka at naaliw ang mga tao sa social media sa ginawang unboxing ni Miss Universe 1969 at beteranong aktres na si Gloria Diaz.


Ibinahagi ng 71 anyos na beauty queen sa kanyang Instagram account kung paano niya i-unbox ang kaniyang nagba-vibrate na ‘personal toy’.


Mapapanuod sa video na tila nga naman nagustuhan ni Gloria ang nagba-vibrate na feminine toy na kanyang hawak-hawak habang ipinapakita ito sa harap ng camera.

Larawan mula kay Gloria Diaz

Larawan mula kay Gloria Diaz

“Oh my gosh, oh my God,” ito ang unang banggit ni Gloria nang makita na niya ang naturang feminine toy na hinugot niya mula sa loob ng kahon. 


Matapos niya itong ilabas mula sa loob ng kahon ay agad niyang sinubukan kung gumagana ba ito kaya pinindot niya ang turn on button at nagsimula na itong mag-vibrate at mukha namang maayos ang at walang sira ang naturang feminine toy.


“Oh… It vibrates very fine… and then faster… faster!” ayon kay Gloria.


“Grabe! Then just hold it tight, it dies. Jellytime ha, grabe, I love it.”


“I thought I’m not kasali na eh. I’m very much kasali now. At least I can massage this and everything else. I love it! It’s so cute!” dagdag pa ng batikang aktres.


Dahil dito ay kaagad naman na nagcomment ang kanyang anak na si Isabelle Daza.

Larawan mula kay Gloria Diaz

Larawan mula kay Gloria Diaz

“Hahaha yas mom,” saad nito.


“If you ever need a hand with it, I’m available anytime.” ito naman ang sabi ni Cliff Ho na isang Commons founder.


Nagbiro pa Gloria ang Sunniesface co-founder at modelong si Jess Wilson, “I need a tutorial I don’t know what this is,”


Panoorin sa ibaba: