Juliana Segovia, inokray si Rowena Guanzon at sinabihang "pangit"; Guanzon, rumesbak! - The Daily Sentry


Juliana Segovia, inokray si Rowena Guanzon at sinabihang "pangit"; Guanzon, rumesbak!




Mga larawan mula sa Facebook


 Maliban kay Ruffa Gutierrez ay tila may bagong kabardagulan na naman si dating Comelec commissioner Rowena Guanzon sa katauhan ng grand winner ng ‘Miss Q and A’ segment ng noontime show na “It’s Showtime” na si Juliana Parizcova Segovia. 


 

Sey ni Juliana sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Hulyo 13 “Alam mo kung bakit ZEROWENA ka?… kasi PANGIT KA,”


Screenshot mula sa Facebook post ni Juliana


 

Nagshare naman ng isang Facebook post si Guanzon na naglalaman ng pahayag ni Juliana pati na ang larawan niya sa ‘Miss Q and A’ bilang tugon.


 

“Kung yan ang basehan ng mukha ng pagiging maganda, mas ok na ata maging pangit,” ang pasaring naman ng dating opisyal ng Comelec nitong Huwebes, Hulyo 14.



Screenshot mula sa Facebook post ni ex-Comelec commissioner Rowena Guanzon


 

At dahil hindi papatalo ang dating ‘Miss Q and A’ grand winner ay sumagot naman ito ng: “Wala naman akong sinabing MAGANDA ako, sinabi ko lang PANGIT ka. Kilala ng Pangit ang Pangit, Kaya maniwala ka.” *


 

Screenshot mula sa Facebook post ni Juliana


Samantala matapos ang naging nila palitan ng bardagulan ay nagpost naman uli si Juliana na nareport ang kanyang account.


 

“Akala ko ba BARDAGULAN? Bakit may pa-report? Ano? Gurang na, pangit na, PIKON PA? Pakyawan?” caption ng komedyana sa kanyang sumunod na post


Screenshot mula sa Facebook post ni Juliana

 

“Galit na galit sila nung inugali ko ung ugali nila. Hays,magpapakabait na nga ako,.pero ayoko mag promise” ayon pa kay Juliana sa kanyang pinaka huling post

 

Matatandaan na naka bardagulan din ni Guanzon si Ruffa kamakailan sa Twitter. 

 

Si Guanzon ay humalili bilang first nominee ng P3PWD party-list bagama’t nakabinbin pa rin sa Supreme Court ang kanyang pag-upo sa nasabing pwesto dahil sa inihaing petisyon laban dito