Misis na pinag-send ng selfie ni mister, nagkaroon ng instant ₱10,000 pesos! - The Daily Sentry


Misis na pinag-send ng selfie ni mister, nagkaroon ng instant ₱10,000 pesos!



Photo credits: Mark Jestin Manalo | FB

Sa panahon ngayon, talaga namang napakapalad mo kung makahanap ka ng katuwang sa buhay na marunong mag-appreciate sa mga bagay na ginagawa mo para sa kanila. Kaya naman nakatutuwang makakita ng mga mag-girlfriend o boyfriend, mag-asawa o mag-partner na marunong magpahalaga sa isa't isa.

Photo from Google | CTTO


Katulad na lamang ng post ni Mark Jestin Manalo na trending ngayon online matapos niyang ibahagi ang kanyang nakatutuwa at nakakabilib na diskarte upang pasayahin ang kanyang partner.

Sa kanyang post na umabot na sa 44,000+ shares, ibinahagi ni Mark ang kanyang paraan upang i-appreciate ang sakripisyo ng kanyang partner na si Sharlene.


Ipinakita niya ang kanilang conversation kung saan hiniling niya kay Sharlene na mag-send ng selfie upang kanyang husgahan o i-rate dahil wala umano siyang magawa.

Sumagot naman si Sharlene at ito ang kanyang naging reply:

Photo credits: Mark Jestin Manalo | FB

Agad naman ni-rate ito ni Mark at pinalhan si Sharlene ng  ₱10,000.00 sa kanyang GCash account.


"Ang bibigay kong score diyan (ay) 10, for 10K," aniya.

Photo credits: Mark Jestin Manalo | FB

Laking tuwa naman ni Sharlene nang makita ito.

Narito ang post:

"Wag na wag mo ako sesendan ng selfie mo baka magka 10K ka. 

Alam ko kulang pa yan para sa lahat ng sakripisyo mo...

Sa lahat ng my partner na din dyan. Mahalin natin mga partner natin kahit walang ganito bonus nalang po ito, ang mahalaga pinapakita at pinaparamdam natin na mahal natin sila hindi lang sa salita kundi sa gawa."


Ganito rin ba ang partner mo?

Source: 1