Sikat na child star noon na si Agata Tapan, ganito pala ang nangyari sa kanya matapos iwan ang showbiz - The Daily Sentry


Sikat na child star noon na si Agata Tapan, ganito pala ang nangyari sa kanya matapos iwan ang showbiz



Larawan mula sa PEP

Naaalala nyo pa ba ang Mara Clara child star na si Agata Tapan? ito na pala ang nangyari sa kanyang buhay ngayon matapos magdesisyong iwan ang kanyang karera sa mundo ng showbiz.


Si Agata ay isa sa mga naging child star noon na sumikat sa mga manunuod noong dekada nobenta dahil sa kanyang angkin na galing pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera.


Matatandaan na si Agata ay unang nakilala nang napabilang ito sa isang TV series ng ABS-CBN na Mara Clara na talaga namang kinagiliwan ng mga manunuod.

Larawan mula sa PEP

Larawan mula sa PEP

Dito ay ginampanan niya ang ang role ng batang si Denise at nakasama niya sa palabas na ito ang mga pangunahing beteranang aktres na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.


Maraming manunuod ang napahanga ni Agata dahil sa natural at husay nitong umarte sa harap ng kamera at dito na nga nagumpisang umangat ang kanyang karera sa pag-aartista.


Dahil nagustuhan ng mga manunuod si Agata ay dito na nga nagsimula ang pagbuhos ng proyekto sa kanyang karera at nabilang sa ilang pelikula at palabas katulad ng Trudis Liit, Sineskwela, Once Upon a Time, Kahit Minsan Lang at maraming pang iba.

Larawan mula sa PEP

Larawan mula sa PEP

Ngunit sa paglipas ng panahon ay matagal na hindi nagpakita sa harap ng kamera si Agata at marami sa kanyang mga taga-hanga ang nagtatanong kung nasaan na nga ba siya at kung ano na ang nangyari sa kanyang buhay ngayon.


Biglang huminto ang dating child star sa kanyang karera at maging ang kanyang mga kakilala sa showbiz ay wala rin ideya kung saan na nga napunta si Agata ngunit lingid sa ating kaalaman ay ipinagpatuloy pala nito ang kanyang pag-aaral dahilan ng kanyang pagkawala sa mundo ng showbiz.

Larawan mula sa PEP

Larawan mula sa PEP

Ayon sa pananaliksik ay nakapagtapos si Agata ng kolehiyo na kumuha ng kursong AB Communication at sa katunayan nga ay isa na siya ngayong Business Development Analyst sa ANC at nagtatrabaho bilang FWD Financial Wealth Planner.


Napag-alaman din na ang batang aktres na cute na cute noon na si Agata ay mayroon na rin sariling pamilya ngayon dahil ikinasal na ito at nabiyayaan ng isang anak na babae.


Iniwan man ni Agata ang kanyang buhay sa pagiging artista ay masaya naman niyang natagpuan ang kaligayahan sa piling ng kanyang asawa at anak.

Larawan mula sa PEP

Larawan mula sa PEP

Talaga nga namang hindi lang galing sa pag-arte sa harap ng kamera ang ipinamalas ni Agata dahil pinatunayan din nito na kahit na anong karera ang kanyang tahakin ay kanya pa rin ipapakita ang kanyang talino at galing na nasa kanya nang pagkatao.


***