Andrea Brillantes, hindi pumalag sa sinabi ni Ricci Rivero! Inamin din na siya ang nag 'first move' sa kanilang dalawa. - The Daily Sentry


Andrea Brillantes, hindi pumalag sa sinabi ni Ricci Rivero! Inamin din na siya ang nag 'first move' sa kanilang dalawa.



Muli nanamang naging topic ng mga marites ang kapamilya star na si Andrea Brillantes nang sagutin nito ang mga katanungan ng kanyang mga fans sa tinagurian nitong very much awaited.

Kasama niya rito ang kanyang boyfriend and basketball star na si Ricci Rivero upang sariwain kung paano nagsimula ang relasyon nilang dalawa.




Nang matanong kung sino ang nag 'first move' sa kanilang dalawa ay hindi na naka-alma ang aktres nang aminin ng basketbolero na si Andrea ang nag first move sa kanila.

Ayon pa dito, matagal na niyang nakikita si Blythe pero walang pagkakataon para makapag usap sila. Nasa 12 taon gulang pa nga raw ito noong una niyang nakita sa fair. Takbo ng takbo at pawis na pawis.

Andrea B. | YouTube

Andrea B. | YouTube


Sa panig naman ni Andrea, naririnig-rinig na niya rin noon ang pangalan ni Ricci pero unang nakita sa isang club sa BGC sa Taguig. Pero dinaan lang siya nito ay hindi man lang pinansin.

Mayabang, suplado at akala mo kung sino. Ito raw ang unang impresyon ng aktres sa UP Fighting Maroon Star na si Rivero. Sabay tawa ng dalawa pag banggit niya nito.

Andrea B. | YouTube

Andrea B. | YouTube


Pero tila nagbago ang ihip ng hangin ng dahil sa Astrology. Ikinatuwa kasi ni Andrea ang isang post ni Ricci tungkol sa mga zodiac signs na tila bibihira daw sa mga lalaki.

Kaya dahil sa kapareho niya ito ng interest ay nag-PM na ang dalaga kay lalaki. "Wow you're into Astrology also?" sabi nito.

Matatandaang naging opisyal na mag-on ang dalawa nang sagutin ni Andrea sa harap ng maraming tao si Ricci matapos ang kanilang basketball game sa Mall of Asia Arena.

Andrea Brillantes and Ricci Rivero | Facebook

Andrea Brillantes and Ricci Rivero | Facebook