Kahit na patuloy na binabatikos, Bea Alonzo ipinagdarasal si Lolit Solis: "I heard she's sick. I will sincerely pray for her healing.." - The Daily Sentry


Kahit na patuloy na binabatikos, Bea Alonzo ipinagdarasal si Lolit Solis: "I heard she's sick. I will sincerely pray for her healing.."



Bea Alonzo and Lolit Solis | CTTO

Sa kabila ng patuloy na pangbabatikos ng beteranang talk show host, manunulat at talent manager na si Lolit Solis sa aktres na si Bea Alonzo, nananatiling tahimik at walang kasagutan dito ang huli.

Ayon sa Kapuso actress na si Bea, wala siyang planong patulan at sagutin ang mga patutsada sa kanya ng talent manager.

Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring tantanan ni Solis si Bea na halos araw-araw niyang pinariringgan sa kanyang mga social media accounts, partikular sa Instagram, gayun din sa weekly online show nila ni Mr. Fu.



Photo credit to Lolit Solis | Instagram

Photo credit to Lolit Solis | Instagram

Nag-ugat diumano ang galit ng veteran entertainment writer kay Bea ng hindi siya maimbitahan sa presscon ng isang product endorsement launch kung saan ang aktres ang brand ambassador.

Ang totoo ay na-trigger lang daw siya nang malaman niyang ipinatanggal umano ng aktres ang pangalan niya sa listahan ng mga invited press.

Photo credit to Pep PH

Pero paglilinaw niya, sa talent manager daw ni Bea na si Shirley Kuan siya may tampo at hindi mismo sa Kapuso actress. Sinang-ayunan daw kasi nito ang alaga at hindi man lang daw nilingon ang pagiging colleagues nila sa artist management profession.

Wala man siyang personal na galit kay Bea, ayon kay Solis ay kitang-kita naman na hindi niya na tinatantanan ang aktres.

Kay naman sa pagharap ni Bea sa ilang members ng showbiz media noong nakaraang linggo ay hindi siya nakaligtas sa tanong tungkol dito at kung bakit hindi niya ipinagtatanggol ang sarili mula sa pambabatikos sa kanya ng talent manager.

Sabi ng Bea, "I will never reply because hindi ko naman nababasa what she writes about me. People just tell me about it."


"But I respect her so much, although we’ve never met, we’ve never been introduced or spoke to each other. And I heard she’s sick at lalo na akong hindi sasagot, dadalhin ko pa yan parang ang bigat-bigat.", dagdag niya.

Photo credit to Pep. PH

Ani Bea, maging positibo na lamang raw sana ang lahat at ipagdarasal niya raw ang paggaling ni Solis.

"Let’s just stay positive. I will sincerely pray for her healing and for her to get well soon," pahayag ng premyadong aktres.

Samantala, sa gitna ng pangbabash sa kanya, tuloy pa rin ang pagdating ng mga blessings sa buhay at career ni Bea. Ibinalita ng dalaga na pagkatapos ng 'Start Up PH', may gagawin na agad siyang bagong series at movies ngayong 2022 hanggang 2023.

Kabilang raw doon ang gagawin niyang movie with Erik Matti, at ang unang pelikula nila ni Alden Richards under Viva Films at ang reunion project nila ng paboritong leading man na si John Lloyd Cruz mula naman sa GMA Films.

Taos-puso naman siyang nagpapasalamat sa napakainit na pagtanggap at pagtangkilik ng mga Kapuso sa Philippine adaptation ng hit Korean series nila na “Start-Up PH”, kasama si Alden. 


SourceBandera