Mikee Morada may mensahe para sa pinagdadaanan ng asawa: "Nandito ako para sayo. Maghihilom din ang lahat," - The Daily Sentry


Mikee Morada may mensahe para sa pinagdadaanan ng asawa: "Nandito ako para sayo. Maghihilom din ang lahat,"




Binasag na ni Mikee Morada, ang asawa ni Alex Gonzaga at kasalukuyang konsehal ng Lipa ang kanyang pananahimik tungkol sa mainit na isyu na kinakaharap ng kanyang misis. 


Sa kanyang post, aminado ito na nagkamali ang kanyang asawa at inako naman daw ito ni Alex at humingi na ng kapatawaran kay Allan, ang waiter na nabastos at napahiya umano. 


Hindi rin niya maiwasang masaktan para sa asawa na sobra-sobra na ang natanggap na pagbabatikos kahit pa aminado na ito at nagkaayos na sila ng taong involve. 


“Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya,” 



“Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa.”


Pero kahit pa man na masakit lahat karamihan ng mga reaksyon sa social media, hanga si Morada sa asawa na ginawa ang nararapat na gawin, ang pag-ako ng kamalian. 


“Nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat.”


Narito ang kabuuan ng kanyang post:


Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. 


Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa. Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan. 


Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya. Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. 


Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito. Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan.


Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.


Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat. 


I love you! 


***

Source: Mikee Morada

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!