Antonette, hindi napigilan ang luha at emosyon dahil sa muling pagkakamabutihan nila ng inang si Mommy Dolly. - The Daily Sentry


Antonette, hindi napigilan ang luha at emosyon dahil sa muling pagkakamabutihan nila ng inang si Mommy Dolly.



Past is past! Tuluyan nang tinalikuran ng mag-inang sina Antonette at Mommy Dolly ang kanilang masalimuot na nakaraan matapos ibahagi sa publiko ang bagong vlog kung saan makikita na sweet na sweet ang dalawa sa isa't isa.

Matatandaang umabot pa sa programang Tulfo in Action ang hidawaan ng mga ito dahil sa pagsama ni Antonette kay Whamos.




Paliwanang ng bagong panganak at 18-anyos na social media influencer ay balik na sa dati at maayos na sila ng kanyang Mommy Dolly ngayon.

Naibahagi din nito na mula ng ipinagbuntis hanggang sa paglabas ng anak na si Baby Meteor ay naroon ang kanyang ina para suportahan siya sa kanyang pinagdadaanan.

"Noong nasa ospital ako nandoon siya tapos inaayos niya yung mga... Naiyak na din siya eh," ani Antonette.

Antonette Gail | Facebook

Antonette Gail | Facebook


Hindi din nito mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang inaalala ang sobrang pambabatikos ng mga tao at mga masasakit na salitang ibinabato sa kanyang ina dahil sa nangyari.

"Pero naintindihan ko naman si mommy sa part na yun dahil as anak niya, ayaw niya akong mapahamak. Tapos nagpaano kasi siya sa mga ibang tao, nagpahatak siya, nagpadala siya," dagdag nito.

Antonette Gail | Facebook

Antonette Gail | Facebook


Sa pagkakataong ito ay binati din nina Whamos at Antonette ang kapwa vlogger na din na si Mommy Dolly dahil sa pagkaka-monetized ng page nito.

Binigyan din nila ng P50k ang ina upang maging puhunan sa kung ano mang negosyong gugustuhin nito.

Nagbigay naman ng mensahe si Mommy Dolly sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya, "Thank you sa mga nagdo-down sakin kasi, dahil sa inyo umaangat ako!"


Antonette Gail | Facebook