Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging ‘bold star’; Inaming malaking dahilan sa hiwalayan nila ni Cesar Montano - The Daily Sentry


Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging ‘bold star’; Inaming malaking dahilan sa hiwalayan nila ni Cesar Montano



Sa naging panayam ni Boy Abunda kay sa aktres na si Sunshine Cruz, diretsahang inamin ng aktres na may mga panahong pinagsisihan niya ang pagiging b0ld star noon.
Sunshine Cruz and Cesar Montano / Photo credit to the owner

Aniya, dahil sa kanyang image noon ay apektado rin maging ang kanyang mga anak.

“I get affected kasi ‘yung mga bata dapat hindi nadadamay pero ngayon naisip ko ang importante kung talaga ‘yung mga nakakakilala sa’kin at naiintindihan ako at mahal ako,” paglalarawan ng aktres sa kaniyang saloobin noon sa isyu.

“‘Yung mga tao na nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa akin – bold star, sexy star – it doesn’t matter anymore,” dagdag ni Sunshine.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nasa poder ni Sunshine ang tatlong anak nila ni Cesar na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska.

Pagbabahagi ng aktres, hinintay din umano niya ang tamang pagkakataon bago ipinaalam sa mga anak ang kaniyang nakaraan.

“Nung time na ready na sila at kahit papano ay maiintindihan na nila ako, dun ko sinabi sa kanila. Hangga’t maaari kasi gusto ko sa’kin manggagaling hindi sa ibang tao,” pagbabahagi ni Sunshine.
Cesar Montano and Sunshine Cruz / Photo credit to the owner
Cesar Montano and Sunshine Cruz / Photo credit to the owner

Hindi naman itinanggi ng aktres na minsan na niyang pinagsisihan na nakilala bilang sexy star noong kabataan niya.

“There was a time na ni-regret ko ‘yun especially naging malaking parte ‘yun ng aming separation ng aking ex-husband. But at the end of the day, mas naging stronger ako; mas natuto ako,” aniya.

Dagdag ni Sunshine, mas pinatunayan niya lang sa publiko na hindi lang siya sa pagpapa-s3xy magaling.
Cesar Montano and Sunshine Cruz / Photo credit to the owner
Cesar Montano and Sunshine Cruz / Photo credit to the owner

“Mas natuto ako and ang ginawa ko lang Tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star o bold star.”

“I can also be a singer.  I can be an actress. Most especially, I am a good mom. I know that for a fact na lahat naman tayo nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon nung mga bata pa tayo pero ang importante ay kung ano tayo ngayon,” saad ng aktres.

Matatandaang noong 2000 nang ikasal sina Sunshine at Cesar ngunit naghiwalay rin sila taong 2013.
Cesar Montano and Sunshine Cruz / Photo credit to the owner
Cesar Montano and Sunshine Cruz / Photo credit to the owner

Sa kasunod na taon ay nag-file si Sunshine ng annulment upang mapawalang bisa ang kasal nila ni Cesar.

Ayon kay Sunshine, nagkaroon raw ng ibang mga babae si Cesar at may reklamo rin ito ng domestic abuse gaya ng marital r*pe at kahalayan sa harap ng kanilang mga anak na babae.

Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.

Matapos nga ang apat na taon ay pinayagan na ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon ni Sunshine noong September 2018.


***
Source: Balita