Jennica Garcia, naging emosyonal nang ibahagi ang pagpapahalaga sa kanya ng ina nitong si Jean Garcia. - The Daily Sentry


Jennica Garcia, naging emosyonal nang ibahagi ang pagpapahalaga sa kanya ng ina nitong si Jean Garcia.



"I feel it in my heart that I took away my mom's teenage years. I feel that, I took so much from her" -Jennica

Matapos bitawan ang mga salitang ito ay hindi na napigilan ng aktres at single mom ang kanyang emosyon nang alalahanin niya ang sakripisyo ng kanyang ina nang siyang isinilang nito.




Pakiramdam kasi ni Jennica ay siya ang dahilan kaya hindi na na-enjoy ni Jean ang kanyang pagkadalaga dahil 19 years old pa lang siya nang iluwal niya ang anak.

Ngayon na isa na ring magulang ay damang-dama aniya ang pagpapahalaga ng isang in para sa kanyang mga anak.

"Nagpapasalamat pa'ko sa Diyos na kung nasaan man ako ngayon, naranasan ko siya 33 na ako!"

Jennica Garcia | Facebook

Jennica Garcia | Facebook


"Kapag single parent ka kasi, whether you are a single mom or a single dad. You really set aside your own needs, you set aside these things just so you can ensure your children's future."

"So pag iniisip ko na what I'm going through right now in my life is something that my mom had to go through at 19,"

"Mamahalin mo ng sobra yung nanay mo eh!" pagbabahagi ni Jennica.

Jennica Garcia | Facebook

Jennica Garcia | Facebook


Maaalalang nilisan ng aktres ang showbiz upang tuparin ang kanyang pangarap na maiging asawa at may bahay ni Alwyn Uytingco ngunit nabigo ito at halos 2 taon ng single mom.

Sa kabila ng sitwasyon ay naging mas matapang naman ito at lakas loob na hinarap ang responsibilidad sa pagpapalaki ng kanyang dalawang anak.

Natapos man ang kanilang relasyon mag-asawa, buo naman sa isip ni Jennica na kahit kailan sila'y palaging magiging pamilya.

Jennica Garcia | Kapamilya Chat

Jennica Garcia | Kapamilya Chat