Marian Rivera, nagalit noon kay Dingdong nang sabihan siya ng “Siguro naka-prepaid ka lang" - The Daily Sentry


Marian Rivera, nagalit noon kay Dingdong nang sabihan siya ng “Siguro naka-prepaid ka lang"



Sa nakaraang telecast ng Fast Talk with Boy Abunda, naging special guest ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Marian Rivera and Dingdong Dantes / Photo credit to the owner

Isa sa kanilang napag-usapan ay ang Philippine adaptation ng Marimar noong 2007.

Labing-anim (16) na taon na ang nakakalipas mula ng ipalabas ang nasabing teleserye na pinagbidahan nina Marian at Dingdon.

Sa eksklusibong panayam ni tito kay Marian, ikinuwento ng aktes na hindi sila nagpapansinan ni Dingdong nang magtambal sila sa Marimar.
Marian Rivera / Photo credit to the owner
Marian Rivera and Dingdong Dantes / Photo credit to the owner

Ani Marian, napikon siya sa biro ng aktor na pre-paid ang cellphone na ginagamit niya noon dahil hindi siya sumasagot sa text.

“Medyo hindi kami magkasundo sa Marimar. Hindi kami nagpapansinan. Maldita kasi ako, e.

“Noong time ng Dyesebel [2008], nasabi niya sa akin, ‘Ang suplada mo naman. Tine-text kita, bakit hindi ka nagre-reply? Siguro naka-prepaid ka lang?’
Marian Rivera and Dingdong Dantes / Photo credit to the owner
Marian Rivera and Dingdong Dantes / Photo credit to the owner

“Nagalit talaga ako kasi yung totoo, naka-prepaid ako. E, nasa isla kami sa Palawan, so bumili ako ng maraming cards.

“Kapag wala na akong card [load], pumupunta ako sa dulo, nagkakaskas ako para mag-load.

"Kaya nung sinabi niya na ‘Siguro, naka-prepaid ka...’ kasi totoo na naka-prepaid ako.

“Kaya sabi ko, kapag sumuweldo ako, after nito, magla-line na ako, kaya naka-line na ako noon after,” pag-alaala ni Marian tungkol sa mga panahong wala pa silang relasyon ni Dingdong.

Aminado naman ang aktres sa kanyang pagiging maldita. Aniya, ito raw ang ayaw niyang manahin ni Zia, ang panganay na anak nila ni Dingdong.


***
Source: PEP