Pen Medina naging emosyonal, lubos ang pasasalamat kay Coco Martin at tinawag itong bagong FPJ. - The Daily Sentry


Pen Medina naging emosyonal, lubos ang pasasalamat kay Coco Martin at tinawag itong bagong FPJ.



Emosyonal na ikinuwento ng beteranong aktor na si Pen Medina kung paano siya tinulungan ni Coco Martin noong ito ay nasa ospital at nangangailangan ng matinding gamutan.

Lubos ang pagpapasalamat ni Pen dahil bukod sa pagtulong sa pagpapa-opera ay binigyan rin siya ng trabaho ni Coco sa bagong proyekto nito na FPJ's Batang Quiapo.




Matatandaang umabot sa social media ang balitang paghingi ng tulong ng award-winning actor dahil sa malaking bayarin nito sa ospital.

Matapos maoperahan sa gulugod o spine noong Agosto ay agad raw itong nag pasalamat ng personal sa itinuturing niyang bagong FPJ.

"Pinakamatindi pong tumulong sa akin si Coco. Kaya noong lumabas ako, nagpasalamat ako sa kanya. Tinext ko siya para magpasalamat ng personal"

Dreamscape Entertainment | Facebook

Dreamscape Entertainment | Facebook


"Ang sagot niya sa akin, kasi alam ko alam niyang kailangan kong bumangon pa, kagaya ng ginagawa niyang pagtulong sa napakaraming mga walang trabahong artista."

"Sabi niya sa akin, 'Tito Pen, kaya mo na ba? Malakas ka na ba? Mag taping tayo para hindi ka mainip sa bahay.' Ganun lang kasimple." pahayag ni Pen.

Mangilid-ngilid ang luha habang nakayukong nakikinig sa madamdaming pahayag si Coco at sa huli ang gumanti ng malaking ngiti sa matanda.

Dreamscape Entertainment | Facebook

Dreamscape Entertainment | Facebook



"Kaya tuwang-tuwa po ako, napakalaking bagay nito sa akin at sa aking pamilya. Kaya I love you. I love you Coco. Napakalaking utang na loob"

Gaganap si Pen Medina bilang ama ng leading lady na si Lovi Poe. Kasama rin nila ang anak nito sa tunay na buhay na si Ping at iba pang mga batikang bituin.

Una na rito sila Charo Santos, Christopher De Leon, Lito Lapid, Ronnie Lazaro, John Estrada, Dindo Arroyo at iba pa.

Dreamscape Entertainment | Facebook

Dreamscape Entertainment | Facebook