Ogie Diaz rumesbak sa mga pahayag ni Liza Soberano: "Tingnan natin kung sinong mas tama nga sa darating na araw" - The Daily Sentry


Ogie Diaz rumesbak sa mga pahayag ni Liza Soberano: "Tingnan natin kung sinong mas tama nga sa darating na araw"



Hindi napigilan ng dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na magsalita patungkol sa naging pahayag ng aktres na hindi nito nagagawa ang gusto niya sa kanyang career.
Ogie Diaz and Liza Soberano / Photo credit to the owner

Sa kanyang vlog, sinabi ni Liza na sa 13 taong career niya ay nanatili lamang siya sa tatlong genre - ang drama, romance at comedy, isang main co-star, tatlong direktor at isang production company.

“During all those years, I was never really asked for my input, my thoughts, my ideas. I felt like I was being told to be just a flower for so long,” ani Liza.

Matapos pumirma sa kanyang bagong agency na Careless Music noong 2022, sinabi ni Liza na sa wakas ay hawak na niya ang kanyang sarili.
Liza Soberano / Photo credit to the owner
Ogie Diaz and Liza Soberano / Photo credit to the owner

Samantala, naglabas ng reaksyon si Ogie sa naging pahayag ng dating alaga.

Aniya, suportado niya ang desisyon ni Liza at sinabing lahat ng kanilang ginawa ay para sa kanyang ikabubuti.

“Tingnan natin kung sinong mas tama nga sa darating na araw, hindi natin alam kasi dati in-archive ni Liza ‘yung kanyang IG post pero binalik din niya ulit. Hindi naman natin alam baka naka-archive or naka-hide lang ‘yan. Abangan natin. Kung ito ‘yung makakapagpabalik ng dating sigla ng career ni Liza, bongga ‘yun, mali ako, I am sorry,” sabi ni Ogie.
Liza Soberano / Photo credit to the owner
Ogie Diaz and Liza Soberano / Photo credit to the owner

Nagpasalamat siya kay Liza dahil sumunod ito sa kanilang mga utos kaya sumikat siya.

“Gusto ko na lang unawain at intindihin ang kanyang kuwento at damdamin tungkol sa 13 years ng kanyang showbiz career.

“Kung sinasabi ni Liza na parang kinokontrol siya ng mga tao sa paligid niya, kung ako man ‘yan at ang Star Magic, gusto ko magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami, kaya siguro sumikat siya.
Liza Soberano / Photo credit to the owner
Ogie Diaz and Liza Soberano / Photo credit to the owner

“Imaginin ninyo ha, kung walang nangyari sa career ni Liza noong hawak ko siya at ng Star Magic malamang iba ang narating niya ngayon. At least okay na ‘yan, kesa naman nagra-rant dahil walang magandang nangyari sa career ‘di ba.”

Pinasinungalingan rin ni Ogie ang sinabi ni Liza na wala itong sey sa kanyang career.

“Anak, lagi kang binibigyan ng chance to say your piece, your opinion, your suggestion. Pinapakinggan ka rin naman kapag may complaints ka,” saad ni Ogie.
Ogie Diaz and Liza Soberano / Photo credit to the owner
Ogie Diaz and Liza Soberano / Photo credit to the owner

Pahayag naman ni Ogie sa hugot ng dating alaga na hindi siya ang namili sa screen name niyang Liza.

“‘Yung screen name na Liza Soberano na ibinigay sa’yo ni Tita Malou Santos ng Star Cinema, ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo. Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo. Nakakapagpadala ka rin ng tulong sa mommy mo sa States. Naibili mo ng bahay sa Amerika ang lolo at lola mo na kumupkop sa inyo ng kapatid mo… lahat ‘yan dahil sa pagiging Liza Soberano mo, anak.”

Sa ngayon ay wala pang sagot si Liza sa mga pahayag ng kanyang dating manager.


***
Source: Abante