Anak ni Ruffa na si Lorin sa Broken Families: "It’s possible to heal relationships.." - The Daily Sentry


Anak ni Ruffa na si Lorin sa Broken Families: "It’s possible to heal relationships.."



Photo credit to Lorin Gutierrez | YouTube

Kamakailan ay sadyang pinag-usapan ang naganap na reunion ng mag-aama ng aktres na si Ruffa Gutierrez. 

Matapos ang labing-limang taon, pinayagan na kasi ng aktres ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice na makita at makasama muli ang dati niyang asawa at ama ng kanyang mga anak na si Yilmaz Bektas, isang Turkish businessman.



Lorin, Venice and Yilmaz Bektas | Photo credit to Philstar

Mukha namang na-enjoy ng magkapatid ang kanilang 12-day Turkey trip kung saan kanilang nakabonding ang ama at Turkish family.

Dahil sa pagsasama nilang muli ng ama, napatunayan diumano ni Lorin na posibleng maayos muli ang isang 'broken family'. Hindi man magkabalikan ang kanyang mga magulang, maaari naman magpatawaran at gumaling ang lahat ng sugat at sakit sa tamang panahon. 

Kaya payo niya sa mga kabataan na nasa parehong sitwasyon, huwag panghinaan ng loob at patuloy lamang na umasa na maaayos rin ang lahat.

Photo credit to ABS-CBN News

"If there’s anyone out there and one of your parents or one of your family members is not in your life and you guys are not on the best of terms, I want you to know that it is possible to heal those relationships. It is possible to move forward, to grow,"


"Even if it feels like it's impossible, the right people come back into your life in God's perfect timing. Obviously there was a lot of hurt for the last 15 years, but my mindset is ‘The past is the past’ and there’s really nothing we can do to alter it.",
ayon kay Lorin.

Photo credit to Lorin Gutierrez | YouTube

Photo credit to Lorin Gutierrez | YouTube


Nagpasalamat din siya sa mga netizens na nagpapaabot ng kanilang kasiyahan sa kanilang pagtatagpong muli ng ama at mga taong nagbibigay ng suporta at pagmamahal sa kanilang pamilya.

Ngunit kung mayroon raw natutuwa sa kanilang 'reunion' ay mayroon ding mga netizens na nagbibigay na masasakit na komento hinggil sa sitwasyon ng pamilya mila.



Ani Lorin, hindi madali ang kanilang pinagdadaanan kaya pakiusap niya na maging sensitibo naman sana ang publiko sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya sa ngayon. Dagdag pa niya na sana naman ay iwasan ng iba ang magcomment ng hindi maganda na para bang alam nila ang tunay na pangyayari sa kanilang buhay.

Photo credit to PEP.Ph

“I have seen a lot of comments online of people kind of talking in a way that doesn’t reflect the fact that this entire journey has actually something to do with real-life people,".

"That we're not a fan fiction or a movie or like a TV show where you can watch and comment from afar as if you know everything or as if it is so simple. It’s really not black and white like that,"

“If you can leave hate comments on any other piece of content that I produce and you can say whatever you want about the other aspects of my life, but when it comes to this and especially me seeing my family please just be careful and sensitive of what you comment,"
pakiusap ng panganay na anak ni Ruffa.