"Wait, Whaaat?" Arjo Atayde and Maine Mendoza, Engaged Na! - The Daily Sentry


"Wait, Whaaat?" Arjo Atayde and Maine Mendoza, Engaged Na!



Photo credit to Maine Mendoza and Arjo Atayde | Instagram

Binulaga ngayong Biyernes ng Kapuso actress at Eat Bulaga Dabarkads na si Maine Mendoza, aka Yaya Dub ang kanyang Instagram followers ng inanunsyo nito na enganged na sila ng boyfriend na si Arjo Atayde, Kapamilya actor and Quezon City First District Representative.

Base sa Instagram post ni Maine, nag-propose sa kanya si Arjo sa isang lugar na may illuminated white roses garden.



Photo credit to Arjo Atayde | Instagram

"Wait, whaaaat??? We’re engaged?!" caption ni Maine sa kanyang post at nagbahagi ng mga larawan nilang magkasintahan, habang ipinapakita ang engagement ring na suot niya.

Photo credit to Maine Mendoza | Instagram

Matapos ang isang oras ay nagpost din sa kanyang Instagram account si Arjo, bilang kumpirmasyon sa anunsyo ni Maine.

"My turn, I will marry you cutie", post ni Arjo na nagpapakita ng larawan ni Maine na may "Will You Marry Me?" sa background.




Photo credit to Arjo Atayde | Instagram

Makikita naman sa post ng kapatid ni Maine na si Nicole na pinaghandaan nang husto ni Arjo ang proposal sa aktres dahil bukod sa "Will You Marry Me" na disenyo sa garden ay may fireworks display din na naganap sa wedding proposal.

Halatang masaya ang buong pamilya ni Maine sa sa nangyaring engagement ngunit tila naman naiyak diumano ang kanilang ama sa balita. Ibinahagi din kasi ni Nicole ang isang video kung saan makikita ang kanilang ama na namumugto ang mga mata.

Phot credit to Coleen Mendoza Cruz | Instagram




Phot credit to Coleen Mendoza Cruz | Instagram

Tatlong taon at pitong buwan ng magkasintahan sina Maine at Arjo. Matatandaang nagkatrabaho sila sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy, The Puliscredibles kung saan gumanap na isa sa mga bidang pulis si Maine, habang kontrabida naman ang papel ni Arjo na bahagi ng isang sindikato sa kuwento.

At doon nga ay nagsimula ng lumabas na ang mga balita na tila nagkakamabutihan ang dalawa. Madalas na kasi silang makitang magkasama at nasa production stage pa lang diumano ng pelikula ay napansin na ang pagiging close ng dalawa.

Namataan rin si Arjo na sumuporta sa isang event para sa brand na ineendorso ni Maine noong August 2018.

Madalas na rin sila noon na makitang magka-date sa restaurants, bars at concerts. Hanggang sa umamin na sila pareho at naging opisyal na magkasintahan noong January 2019.



SourcePep.Ph